Sunday, July 29, 2012

Give Your Heart a Break vi



Nakaka-isang linggo na pala kami nila Ton, Andrei at Mac dito sa Manila. Kasalukuyan kaming tumutuloy sa PJ’s sa may Recto. Marami kaming mga kasamang nagrereview din sa iba’t ibang centers at mga students sa mga kalapit na pamantasan.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Mac sa akin ng masumpungan niya ako sa common dining area mga ala-una na iyon ng umaga.

“Hindi ako makatulog eh and ang dami ko pang hindi nababasa.” Sabay patong ng kamay sa ilang makakapal na libro sa harap ko.

“Pwede ka naman kaya magpahinga Jay.”

“Nakaidlip naman na ako kanina.”

“Papatayin mo ba sarili mo? May pasok ka pa mamaya.”

“I know pero I have to do this.”

“Para saan? You don’t have to prove anything, you don’t have to please anyone.”

“All I know is I have to.”

Bumuntong-hininga ito. Maya-maya ay kinuha nito ang isang libro ni Brunner and Sudarth at binasa.

“Hindi ko maintindihan ito Jay. Ano ba itong multiple serosis?”maya-maya ay tanong nito sa akin.

Napangiti ako ng bahagya ngunit di ko man lang tinapunan ng tingin itong si Mac.

“Multiple SCLEROSIS hindi serosis.”

“Ah oo nga ano. Eh ano naman iyon?”

“Multiple sclerosis is an inflammatory disease in which the fatty myelin sheaths around the axons of the brain and spinal cord are damaged, leading to demyelination and scarring as well as a broad spectrum of signs and symptoms.” Mahabang sagot ko rito.

Hindi siya umimik. Akala ko na-gets niya dahil sa pagtahimik niya. Tiningnan ko ito at nakatingin din ito sa akin na bakas sa mukha ang pagkalito.

“What?”

Nagkamot ito ng ulo. “I’m stupid you know it and I don’t know what does that mean.”

“You don’t have to understand it.”

“I want to know.”

“Why?”

“All I know is I have to.” Panggagaya niya sa sinabi ko.

“Bakit?”

“Basta ang dami mo namang tanong eh sagutin mo na lang.”

I don’t have a choice. Napabuntong hininga na lang ako.

“Sige ganito iyan, explain ko in layman’s term. Ang brain kasi ay binubuo ng mga nerve cells at ang bawat nerve cells ay binubuo ng maraming fibers. These fibers are surrounded or covered by insulators na tinatawag na myelin. Itong myelin naman ay tumutulong sa electrical activities ng utak na magsend ng signals sa mga part ng katawan natin para gumalaw ng naaayon sa gusto natin.” Paninimula ko.

Mataman naman itong nakatingin sa akin. May patango-tango ito at talagang iniintindi niya. Kahit papaano aya na-touch ako sa ginagawa nito.

“So ibig bang sabihin na multiple sclerosis has an effect or something to do with our movements.”

“Well, you’re partially correct. Anyhow, malalaman mo sagot in a short while. Sa multiple sclerosis kasi, inaatake ng ating immune system ang myelin kaya numinipis ito until sa tuluyan ng maubos.”

“Pero bakit inaatake ng sarili nating immune system.”

“That’s still unkown ayon sa mga researches.”

“Anong manifestations niya?”

“Sabi mo nga it has something to do with our movements. Nariyan iyong manghihina ang taong may sakit, mahihirapan lumunok, naduduling, bowel and urinary difficulties. And to add more, pati cognitive and emotional aspects eh hindi nakaligtas.” Paliwanag ko ulit.

“Ang hirap pala ng sakit na ‘yan.”

“Wala namang madaling sakit eh. Everything has their own characteristic and breakthroughs. It’s a matter of pag-iingat lang.”

“Di ba there are diseases na genetics in nature?” tanong niya.

Na-amaze ako. Napaka-intelligent ng question niya.

“Yun totoo. Nagre-review ka rin?” pambabalewala ko sa tanong niya.

Natawa siya sa tanong ko. “Nope, na-curious lang ako kasi come to think of it alien kasi yung mga terms na pinag-aaralan niyo kaya para naman makasabay ako di ba. Besides, may history kasi kami ng hypertension at diabetes.”

“Okay.”

Marami pa siyang kung anu-anong mga sakit na itinanong. Lahat naman iyon ay nasasagot ko. Mayroon nga iyong minsan tinanong niya ako na halos hindi na ako makasagot. Tatawanan ko siya kasi seryosong seryoso siya. Parang siya ang nagre-review at hindi ako.

“Anong nursing intervention mo sa taong may Parkinson’s disease?” bigla nitong tanong.

“Para sa akin, priority ko ang safety ng patient na may ganitong sakit. Mayroon kasi silang tinatawag na uncontrollable movement na pwedeng magpahamak sa kanila lalo pa’t ang older generations ang usually tinatamaan nito.”

“Ahhhh. Safety pala.” Bulong niya.

“Ano iyon?” tanong ko na kunwari ay hindi ko narinig.

“Pag tumanda ba ako at nagkaroon ng Parkinson’s, safety ko rin ba ang priority mo?”

Napatigil ako sa pagbabasa ko at tiningnan siya. Seryosong ekspresyon ang nabanaag ko sa mga mata niya. Honestly, that’s out of the line question.

“Well, I’m not sure.” Seryoso ko ring tugon.

Nakita ko sa kanya ang kirot sa sagot ko. Napabuntong-hininga siya. Natilihan ako.

“Look, how will I take care of you if by that time parehas na tayong matanda? Do I make any sense?” pandedepensa ko sa naging sagot ko.

Napangiti siya.

“So ibig sabihin sabay tayong tatanda? You’ll be with me ‘til my last breath?”

I was caught off-guard. Hindi ko alam isasagot ko.

“Ah... eh... hey nagutom ako bigla. Baba lang muna ako sa mini stop bili lang ako pagkain. Ano gusto mo?” pag-iwas ko sa tanong niya.

Hindi ko alam pero bakit ganun naisagot ko. I know that he’s courting and keeps on trying to win me back pero I’m really going too far. Sobrang unfair na para kay Aljohn. Mahal na mahal ko siya pero I can’t find a way to break Mac’s heart. I don’t have a choice.

“Ahm, milk and bread will do.”

“Copy.”

Tumayo na ako at umalis. Pababa na ako ng unit ng maalala kong naiwan ko pala pitaka ko. Pabalik na sana ako ng makita ko siya sa may pintuan ng dining hawak-hawak pitaka ko.

“Forgetting something?” at iwinawagayway pa.

“I think so.” Sabay abot sa pitaka ko.

Papatalikod na ako ng bigla ako nitong kinabig paharap sa kanya at siniil ng halik sa labi. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapag-react.

“W-why did you that?” nang matapos ang munting eksenang iyon.

“I can’t help it Jay. You have the sexiest lips on earth.”

Namula ako sa sinabi niya at namalayan ko na lang ang sarili kong naglalakad papuntang mini stop. Hindi ako mapakali. He has the same kiss as before, full of love, full of sincerity.

Kahit sa pamimili ng bibilhin ko ay hindi ako makapag-decide. Napapahawak ako sa mga labi ko. Geez, at this hour of the day nagkakaganito ako. Napailing ako. Nagulat ako ng nakita ko si ateng cashier na nagtataka sa inaasal ko. Nahiya ako lalo. Inabot ko na ang bayad dito at hindi na nag-aksaya pang kunin ang sukli dahil sa hiya.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik ng unit. Hindi pa rin ako mapakali. Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko para kay Mac. Nagpapagulo ka kasi.

Pagkadating ko sa dining ay kitang kita ko itong seryosong nagbabasa pa rin sa mga libro ko. Bago ako pumasok, tiningnan ko muna itong muli. Gwapo ka pa rin Mac and I understand bakit mo ito ginagawa. You want me back. Try more, harder. Nasabi ko sa sarili ko dahil alam kong anytime kung mag-eexert pa ito ng mas matibay na effort ay malamang sa hindi mapapasagot niya akong muli. Iyon ang sigurado ako.

“Masyado kang seryoso Mac. Heto na bread and milk mo.” Nasabi ko rito ng lapitan ko.

“Thanks.”

“Mukhang ang dami na ng nabasa mo ah.”

“Uhm, medyo mga dalawang sakit na nga ata eh.”

“Baka naman ma-over study ka sa lagay na yan. Remember hindi iyan ang language mo.”

Napatingin ito sa akin ng nakangiti. Tumayo ito at tumabi sa akin.

“I know at andyan ka naman to explain these terms sa akin di ba?” sabay turo sa papel na hawak niya.

“Do I have a choice?”

“Wala.”

“I know right.”

Ginagap nito ang kamay ko at inihimlay sa mga daliri niya. Maya-maya pa ay naramdaman kong inihilig nito ang ulo niya sa balikat ko.

“Akyat ka na sa kuwarto.”

“Ayaw ko.”

“Inaantok ka na kaya.”

“Gusto kita samahan eh.”

“Gusto samahan eh inaantok ka na nga tsaka bakit ka pa kasi bumaba.”

“Wala ka sa tabi ko kaya hinanap kita. Baka kasi mamaya niyan kinuha ka na ng mamaw eh. Anong gagawin ko pag wala ka?”

Naalala kong bigla si Aljohn. Ganun din kasi siya. Pag nawawala ako sa tabi niya talagang hahanapin ako. Lalo ko tuloy siyang na-miss.

“Mamaw? We’re grown ups na Mac at hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa mamaw?”

“Eh bakit kasi.”

“Hay naku, o siya wag ka muna magulo magrereview na ulit ako.”

“Okay Jay.”

At itinuloy ko na nga ang pagbabasa. Siya naman ay ganundin ngunit maya-maya ng konti ay bumagsak na lang ang librong hawak niya sa mukha niya. Inalis ko naman ito at inilapag sa lamesa. Muli ko siyang sinulyapan habang natutulog. Maayos ko pa rin namang nasisilayan ang mukha niya.

You’re still the same guy na minahal ko. I don’t know kung bakit kita binigyan ng chance but all I’m sure is that I don’t want to hurt you. Hinaplos ko ang mukha niya. May kung anong hipnotismo ang pagdampi ng kamay ko sa mukha niya.

Dahan-dahan kong inalis ulo niya sa balikat ko at inihilig sa may upuan. Ingat na ingat akong hindi siya magising. Nang maiayos ko na ito ay ibinalik ko na ang aking tingin sa mga aralin ko ngunit may malakas na pwersang humihila sa akin para muli siyang masdan. Unti-unti kong ipinapaling ang ulo ko sa kinalalagyan niya.

Namasdan kong muli ang mukha nito. Dahan-dahan ko pang inilapit ang tingin sa kanya at nasumpungan ko ang sarili kong nakadikit na ang labi ko sa mga labi niya. Napakalambot ng mga ito. Ilang saglit akong nasa ganung estado ng maisipan kong igalaw ang mga labi ko para mas damhin pa ang mga labi niya.

Na-miss ko ang ganitong pakiramdam. Na-miss ko ang mga halik ni Mac. Na-miss ko ang paghalik sa kanya. Pumikit ako para mas damhin ang paghalik sa kanya. Maya-maya ay unti-unting nabubuo sa isip ko ang imahe ng taong hinahalikan ko. Napaigtad ako sa mukha ng lalaking kahalikan ko. I’m sorry Aljohn.

Na-guilty ako kaya naman itinigil ko ang ginagawa kong kahangalan. Ibinalik ko na lang ang sarili sa pag-aaral. Pilit na iwinawaksi ang nagawa kong pagkakamali. Naririnig ko naman na may mga oras na nababanggit nito ang pangalan ko.

Nakaramdam na din ako ng antok kaya naman ipinikit ko sandali ang mga mata ko para ipahinga pero ang nangyari ay tuloy-tuloy na akong nakaidlip. Nagising na lang ako sa mga tapik ni Tonton sa akin.

“Hey good morning!” bati ko rito.

“Good morning love birds!” ganting bati ni Andrei.

Dahil sa sinabi niya ay bigla akong na-conscious. Nakadantay pala ako sa dibdib ni Mac at nakayakap ito sa akin.

“Look what I have here Andrei.” Sabay pakita ni Tonton ng phone nito. Pinakita niya ito sa akin.

“Hey that’s sweet. Papasa naman niyan sa akin.” Gising na pala si Mac at iniabot nito ang phone kay Andrei.

Kinuha naman ito ni Andrei at ipinasa nga ang picture naming dalawa. Nang makuha ay saglit niya itong pinakialaman at pinatingin sa akin. Ginawa niya palang wallpaper. Sa totoo lang ang cute naming dalawa doon. Namula ang mga pisngi ko at napansin iyon ni Tonton.

“Are you blushing?” di naiwasang tanong niya.

“I-I’m not.”

“N-no you’re not.” Pang-aasar nito sa akin na lalong ikinamula ko.

“Hey stop that guys. Masyado ng napapahiya sa Jay ko.” Sabay yakap nito sa akin.

Hindi na tuloy ako makagalaw, unang-una sa kilig at pangalawa ang sa hiya. Tinuloy pa rin ng dalawa ang pang-aasar sa akin hanggang sa naisipan na naming mag-ayos ng lahat para pumasok.

(itutuloy)

Saturday, June 30, 2012

Give your Heart a Break v



“I just want to remind you young man na may boyfriend ka na at hindi tama na nakikipaglandian ka sa iba lalo na sa ex mo. Paano na si Aljohn?” bungad ni mama ng makapasok na kami sa loob ng bahay.

“Ma, wala naman ng masama dahil we’re all grown up and besides hindi ako nakikipaglandian.” Pagdepensa ko sa sarili ko.

“Sigurado ka?”

Tumango lang ako sa kanya.

“Kung hindi pala pakikipaglandian ang makipaghalikan anong tawag dun? Greetings? At sa lips?”

Napamaang ako. Patay, nahuli kami.

“Pe-pero hindi ako ang nanghalik ma. Si Mac iyon.”

“Regardless, may utak at judgment ka na para tumanggi sa gusto niya.”

May point siya. Natahimik ako dahil nahihiya ako. Guilty as charged. Napabuntong-hininga na lang ako.

“I’m sorry ma.”

“Hindi kita pinalaking ganyan Jay. Pumayag ako sa kagustuhan mong magmahal ng lalaki dahil may tiwala ako sa’yo at gusto kong lumigaya ka pero sana naman ingatan mo iyon.” Patuloy nitong pangangaral sakin.

“Opo.” Nasambit ko na lang.

Matagal na nanaig ang katahimikan sa loob ng bahay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang tinamaan ako sa mga sinabi ni mama. Hindi ko siya pwedeng barahin ngayon dahil may mali ako. Bakit ko nga ba kasi hinayaang halikan niya ako.

Naupo na lang ako sa sofa sa sobrang pagkadismaya. Rinig ko naman ang ingay na nagmumula sa kusina ngunit balewala sa akin iyon. Nailing ako ng maalala ko ang nangyari kani-kanina lang.

Ano na lang kaya magiging reaction ni mama kapag nalaman niyang pinagbigyan ko si Mac na subukang bawiin ako kay Aljohn. Buntong-hininga na lang ang naisagot ko.

“May sasabihin ka pa ba sa akin?” tanong ni mama habang inaabot nito sakin ang mug kong may gatas.

Inabot ko naman ito. Naalala ko na madalas gawin ito ni mama sa akin noong bata pa ako sa tuwing lagi ko siyang nabibigo at talagang dinadamdam ko. Tiningnan ko muna siya bago humigop. Hindi ko alam pero mukhang hindi umeepekto iyong gatas.

Mukhang nakuha naman niya ang nararamdaman ko kaya tumabi na ito ng upo sa akin at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Biglang namuo iyong mga luha ko sa ginawa niya.

“Guys need to cry every once in a while.” Wika niya habang hinahaplos ang buhok ko.

“Ma, I’m sorry for disappointing you. Promise I won’t do it again.”

“Shhhhh, quiet. Nag-e-emote ako.”

Napakalas ako sa yakap nito at tiningnan siya. Kita kong nakapikit ito ngunit bakas din sa pisngi nito na nabasa ito ng luha. Kinabig niya ako ulit payakap sa kanya.

“I love you so much ma!”

“I love you more baby.”

Hindi na namin namalayang nakatulog na kaming dalawa sa sofa. Napasarap tulog ko dahil nagising na lang ako na may naaamoy akong ginigisang bawang at sibuyas. Napakabango. Bigla tuloy akong nagutom.

Tumayo ako at tumungo sa kusina. Iniyakap ko ang mga braso ko sa baywang niya.

“Gising ka na pala.”

Hindi ako sumagot.

“Naku naman, naglalambing baby ko. Hala magmumog ka na muna ng makakain na tayo. Lapit na rin maluto itong paborito mo.”

Hindi ako kumilos. Narinig kong itinigil niya ang paghahalo sa niluluto at hinarap ako.

“Aga-aga naman nito. Hey, ano? Ganyan na lang tayo hanggang maghapon?” wika niya.

Natawa ako sa inasal niya.

“I feel like hugging you all day ma. I’m safe when I’m in your arms.”

“Sus, bolero. Matapos mong makipaglandian kahapon maglalambing ka ngayon. Ano iyan bawi-bawi?”

“Kainis ka naman. Naglalambing na nga lang ako sa’yo eh. Tandaan mo ma, dalawang buwan din akong mawawala.”

“Ay oo nga pala. Sige diyan ka na lang buong maghapon para wala tayong magawa pareho.” Pambabalewala niya sa sinabi ko.

“KJ!” sambit ko sa kanya sabay kalas at tumungo na sa banyo para mag-ayos. Rinig ko pa ang pagtawa nito.

Matapos kong mag-ayos dumiretso na ako sa hapagkainan. Pagkaupo ko ay sabay na kaming nagdasal at sinimulan ng kumain.

“Your foods are great. One of the best in town.”

“In town lang?”

“Your foods are great. One of the best in the country.”

“Country lang?”

“Fine. Your foods are great. One of the best in the whole wide world kahit pa sa lahat ng universe sa kalawakan. Happy?”

Ngumiti lang itong nang-iinis.

“Ikaw sumosobra ka na huh. Kanina pang pagkagising ko basag na ako sa’yo.”

“Kasalanan ko?”

“May sinabi ako.”

At nagkukuwentuhan kaming dalawa habang nag-aagahan. Hindi sinasadyang masagi sa usapan namin ang update sa relasyon namin ni Aljohn.

“Hindi pa rin po kami nakakapag-usap hanggang ngayon.”

“Mukhang may katagalan na ring hindi nagpaparamdam iyon ah.”

“Miss ko na nga siya eh.”

“May balita ba nanay niya tungkol sa kanya?”

“Wala nga po eh. Ewan ko ba sa isang iyon bakit hindi magawanag magbalita man lang. Kakatampo na nga eh.”

“Hmmmm.”

Napatingin ako rito.

“Why?”

“Kaya ka siguro naglalandi dahil nami-miss mo siya at sa ganoong way mo inilalabas. Tama ba?”

“Hindi ah.”

“Lokohin mo pa ako. Mama mo kausap mo.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Okay. Anyway, any plans sa pagre-review mo?”

“Baka luwas na kami ni Tonton next week para mag-enrol tsaka para maghanap ng matitirhan.”

“Hindi niyo na kailangang maghanap ng matutuluyan, nakakita na ako sa may Recto. Ayos naman iyong facilities and nakapagbayad na rin ako ng 18k doon para sa two months stay niyo.”

Nanlaki mata ko. “Seryoso?”

“Hindi joke lang.”

“Ma!”

“Oo nga. Ang kulit mo.”

Napatayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

“Thank you so much ma! You’re the best mom in the whole wide world.”

“Naman. Ako pa ba?”

“I should tell this to Tonton.”

“Mamaya na kapag tapos na tayong kumain.”

At tinapos na nga naming dalawa ang pagkain namin. Ako na rin ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan. Ramdam na ramdam ko ang good vibes na umaagos sa buong katawan ko. Matapos iyon ay dali-dali kong tinawagan si Tonton para ibalita iyong ginawa ni mama. Tuwang-tuwa ito sa sinabi ko at excited na ring makita iyong tutuluyan namin.

“Labas tayo mayang hapon Jay.”

Nagtaka naman ako.

“Saan tayo pupunta?”

“Magde-date tayo.”

“Weee, excited na ako. Saan tayo magde-date?”

“We’ll watch Harry Potter and the Half-blood Prince.”

“Really? Yes! Yes! Yes!”

Sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko si mama sa pisngi.

“Pero seriously ma, bakit mo ginagawa ito?”

“Siyempre nagdaan din ako sa ganyan dati. Alam ko ang stress ng pagrereview kaya naman gusto ko na bago ka ma-pressure sa pag-aaral, magawa mo naman sana makapag-enjoy.”

“Ang sweet naman. Pa-hug ulit.”

“Nakakarami ka na huh.”

“Aayaw?”

“May narinig?”

“Wala.”

“Wala naman pala. Come here give mama a hug.”

At binigyan ko nga siya ng isang napakahigpit na yakap.

I can tell how much I love my mom and lagi ko iyong ipinaparamdam sa kanya sa tuwing may pagkakataon. She deserves it lalo na’t mag-isa niya akong pinalaki. She’s been the greatest girl friend I ever had and have.

Nang mga bandang hapon na ay gumayak na kami para pumunta sa mall at manood ng movie. Hindi ko na nga maalala when’s the last time na nanood kami ng ganito. Nung high school or nung elementary? Hindi ko na maalala sa tagal.

Enjoy na enjoy akong kasama si mama sa loob ng sine. Kitang kita ko rito na masaya’t nag-e-enjoy din siya sa ginagawa niya. Nang matapos iyong pinapanood naming dalawa ay para itong bata na nagkukwento. Nangingiti ako sa inaasal ni mama.

“Para namang di tayo magkasama sa loob kung maka-kuwento ka.”

“Eh bakit ba nag-enjoy ako eh. Sus!”

“Sus sinabi mo pa. Tutok na tutok ka nga sa screen eh. Akala mo yata ililipat ng channel. Ganyan ka kapag gusto mo pinapanood mo eh, dedma sa kasama.” Tugon ko sabay tawa.

“Ganun talaga.”

Maya-maya pa ay natahimik na ito. Napagod ata sa kakasalita.

“Kain na tayo. Nagutom ako eh.”

“Sa bahay na lang.”

“Hindi na. Tinatamad ako magluto.”

“Sino nagsabi sa’yong ikaw magluluto?” sabi ko.

“Marunong ka?”

“Naman. Ano ba gusto mo? Hotdog, noodles o sunog na kanin?”

“Naku di bale na. Bili na lang tayo dito tsaka natin iuwi.”

“Huwag kang makulit ma huh. Pagbigyan mo na ako this time. Please?” Pagmamakaawa ko rito.

Pumayag naman siya.

“Punta lang ako sa supermarket ma libot ka muna sa department store.”

“Ayaw mong pasama sa akin?”

“Hindi na. Kaya ko na ito. Sobrang gutom ka na ba?”

“Medyo. Merienda naman muna tayo.”

“Sure. Saan mo gusto kumain?”

“Sa mura na lang.”

“Titipid?”

“Hindi naman.”

At dumiretso na nga kami sa Jollibee. Um-order na kami ng kakainin at aktong maglalabas ito ng pera ng pigilan ko.

“Ako na. Libre kita. Hanap ka na lang upuan natin.”

Nangiti siya sa inasta ko. Habang naghihintay sa orders ko ay ka-text ko si Tonton. Sinabi ko lang kung ano mga ginawa namin ni mama ngayon at tuwang-tuwa siyang malaman na nag-e-enjoy si mama. Pansamantala ko munang itinago phone ko kasi kumpleto na iyong order ko. Binuhat ko na ito at isa-isang hinanap kung saan pumwesto si mama. Kita ko naman na nasa may bandang dulo ito umupo sa may parang sofa.

“Sigurado ka bang magluluto ka pa?” tanong niya sa akin.

“Yup.”

“Anong oras na rin.” Sabi niya.

“Kaya yan. Trust me.”

“The last time na pinagkatiwalaan kita binali mo ng slight eh.”

“Ibang trust iyon. Basta I’ll make you proud.”

“Talaga lang huh.”

“Promise.”

“Okay.”

Matapos naming kumain ay naghiwalay na kami ni mama. Siya tumungo sa department store, ako naman ay sa supermarket. Dala-dala ang pushcart ay may biglang kumalabit sa balikat ko. Napatingin ako sa kumakalabit.

“Hey! Andito ka rin pala.”

Ngumiti lang siya.

“Nakita ko kayo ni tita kanina sa Jollibee kaso nahiya akong lumapit.”

“Bakit naman?”

“Mukha kasing nagsasaya kayo eh.”

“Okay.” At muli ko ng tinulak iyong cart. Sumunod naman siya.

“Tapos nung naghiwalay kayo sinundan na kita.”

“Stalker?”

“Siguro.” Sabay tawa niya. “Teka ano bang bibilhin mo?”

“Magluluto kasi ako para kay mama ngayon.”

“Naks, ang sweet naman.” Sabay agaw sa cart. Pinabayaan ko na lang.

“Ganun talaga.”

“Ano bang iluluto mo?”

“Paborito kasi ni mama iyong pork binagoongan kaya iyon sana balak kong gawin.”

“Mukhang masarap iyon ah.”

“Masarap talaga lalo na kapag ako ang may gawa.”

“Sige na lang.”

“Hoy Makko, tigilan mo ako huh.” Sambit ko ng biglang may bumundol sa likuran ko. “Aray ko!”

Tiningnan ko siya at kita ko na inis ito sa ginawa ko. Itutulak niya sana ito ulit ng panlakihan ko ito ng mata. Tumigil siya.

Itinuloy ko na ang pamimili ko hanggang sa tingin ko ay nabili ko na lahat ng ingredients. Agad na kaming pumila sa may counter.

“Anong plano mo ngayong summer?”

“Mag-review.”

“Para saan?”

“Board exam.”

“Saan?” tanong niya.

“Sa Manila.”

“Bakit ang layo? Meron naman tayo dito ah.”

“Doon namin napagkasunduan ni Tonton at ni mama.”

“Pwede ba akong sumama?”

“Magre-review ka din?”

“Pwede makasama ka lang.”

Parang may kung anong sumundot na kilig sa akin.

“Ewan ko sa’yo.” Naiilang kong sagot.

“Kelan niyo naman balak na lumuwas?” pag-iiba niya sa usapan.

“Sa Wednesday na.”

“Ah okay.” Sagot nito.

Matapos kaming mamili ni Mac ay lumabas na kami. Hindi naman ganun karami binili ko. Umalis na rin siya agad. Tinext ko naman na si mama na tapos na akong namili at nasa may labas lang ng department store naghihintay. Maya-maya pa ay lumabas na ito kasama ng ilang paper bags na hawak niya.

“Ilang saglit lang ako nawala parang kalahati na ng department store nabili mo ah.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Well ganun talaga.”

“Tara na?”

“Yup.”

Tuluyan na nga kaming umuwi. Buti na lang hindi masyadong traffic kaya naman saglit lang ay nasa bahay na kami. Pagkapasok ay agad itong umupo sa sofa at nagpahinga samantalang ako ay dumiretso sa kusina para maghanda.

Inuna ko ng hiwain iyong karne para i-marinate bago iyong gulay. Nag-mince na rin ako ng garlic at onion. Hinayaan ko munang manuot iyong lasa ng asin sa karne bago ko ito inilagay sa mainit na kawali. Pinagmantika ko ito hanggang sa maging medyo crispy na siya. Isinunod ko iyong talong. Saglit lang ito maluto pagkatapos ay isinantabi ko muna. Mag-uumpisa na sana akong maggisa ng makita kong may nag-aabot ng bawang at sibuyas.

“Ma, ako na. Pahinga ka na lang doon.”

“Sure?”

“Yup.”

“Baka hindi mo kaya.”

“Kaya ko ito.”

“Okay. Nood muna ako sa sala.”

“Okay.”

Itinuloy ko na nga ang pagluluto. Gisa dito, gisa doon. Lagay nung karne at halo. Konti na lang at matatapos na akong magluto. Inilagay ko na iyong alamang para humalo sa lasa ng karne. Konting halo pa at timpla at tapos na akong magluto.

Nagluto na rin ako ng kanin. Para masigurong hindi ito masusunog ay sa rice cooker na ako nagsaing. Ayoko masira iyong dinner naming dalawa. Habang naghihintay na maluto iyong kanin ay naisipan ko namang ligpitin iyong mga ginamit ko. Hindi na rin naman nagtagal at naluto na iyong kanin. Naghain na ako at inaya na siyang dumulog.

“Ang bango naman ng niluto mo.”

“Siyempre naman. Ako pa?” pagmamayabang ko.

“Ano ba niluto mo?” sabay lapit sa lamesa. Napatda siya.

“Surprise!”

Nakita ko na naluluha siya.

“Bawal magdrama sa harap ng hapag. Magtatampo ang grasya.”

Dali-dali naman niyang pinigilan pagda-drama niya at umupo na.

“Tikman mo nga ma kung masarap.” Sabi ko rito na hindi pa rin ata makapaniwala.

“Masarap yan sigurado ako.”

“Eh, sige na.”

Kumuha naman siya ng kaunti at tinikman. Napangiti siya.

“Pwede na. Lasang binagoongan naman.” Kumento niya.

“Atleast pasado.” Pagmamayabang ko. “Alam kong paborito mo ito kaya ito na naisipan kong iluto.”

“Paano mo nalaman paano magluto nito?”

“Pinag-aralan ko sa internet kung paano tapos saka ko unti-unting pinagpraktisan sa tuwing wala ka.”

“Ah iyon ba iyong minsang nakagalitan kita dahil sa sobrang dumi ng kusina?” tumango lang ako. “Thank you Jay.”

“You’re welcome ma!”

Tuwang-tuwa ako na nagustuhan ni mama iyong ginawa ko. Nagulat kami na naubos naming dalawa iyong niluto ko kahit na nagmerienda pa kami sa labas kanina. Hindi ko na siya pinagtrabaho pa. Pumayag naman siya dahil sa sobrang pagod niya.

Matapos kong mag-asikaso sa baba ay pansamantala muna akong lumabas at nakita kong may tao sa gate. Paglapit ko ay parang bigla itong nawala. Namamalikmata lang siguro ako. Tumambay muna ako ng ilang minuto bag ko naisipang pumasok na at matulog. Napagpasyahan kong bukas na mag-empake at for sure mahihirapan akong maghanap ng damit na dadalhin.

(itutuloy)