Tulog na tulog si Nica sa higaan naming dalawa nang maabutan ko siya sa pad. She’s so beautiful. The best catch sabi nga nang mga friends ko; tall, slim, mestiza, stunning, a real Goddess. Having her on my arms makes me feel so lucky. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, doing cat moves para hindi siya magising. Ingat na ingat akong tumabi sa pagkakahiga at idinantay ang mga braso ko sa makinis at malambot niyang katawan. I want to feel her soft body. Then I decided to take a rest dahil I have plans for tomorrow.
5:30am. Naalimpungatan ako dahil nag-vibrate yung phone ko sa may side table. Oo nga pala, I have to prepare now para mamayang gabi. This is the night I’ve been waiting for. Tonight, magpo-propose na ako sa kanya. Gaya kagabi, ingat akong bumangon para hindi siya magising. I hurriedly went to the bathroom and take a quick shower. After dressing up, I swiftly grab a snack sa table and off I go.
6:50am. Nakasarado pa yung opisina nang dumating ako. Nilabas ko yung duplicate key ko at binuksan iyon. Pagpasok, diretso ako sa table ko and inantay na lang yung sekretarya ko na magbukas nang curtains.
“Susmaryosep!” Gulat na gulat na sabi nang secretary ko nang makitang mas maaga akong dumating sa kanya.
“O para kang nakakita nang multo sa itsura mo.”
“Eh sir, bakit ang aga mo? Di ka man nagpasabi kagabi para ako na sana nag-open nito.” Sabay tingin sa paligid.
“Hinihintay ka pa din naman nang mga kurtina don’t worry.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Teka sir, bakit ang aga niyo ngayon? Nag-away ba kayo ni ma’am?”
Hindi ko siya sinagot pero I flashed her a big smile. Naintindihan naman niya agad sabay tango.
“Shiela, call the flower shop and buy a bouquet of blue roses and another set of sunflowers to be delivered at 5 this afternoon.” Utos ko sa kanya matapos niyang hawiin ang mga kurtina.
“Sir, blue roses po talaga?” Takang tanong niya.
“Yup, any problem?”
“Ah sir, meron bang ganun?” Napaisip ako sa tanong niya at napatawa.
“Alright, just go and get me a cup of coffee na lang.” Sabay bitaw nang buntong-hininga.
Ganadong ganado ako ngayong umaga dahil sa labis na kasiyahang nadarama ko. Tonight will be the special night for me and Nica. Di ko namalayan na tapos na pala lahat nang paper works ko at around 3pm kaya I decided to get my blazer and get out on the road para maghanap nang bulaklak. Habang nasa sasakyan, muntik na akong mapamura dahil hindi pala peak season ngayon nang mga bulaklak. Pero susubukan ko pa din.
Bumaba ako sa may Dangwa para dun maghalughog nang hinahanap kong bulaklak. Bawat stalls pinagtanungan ko kung mayroon silang tinda but lahat sila nagsabing walang ganung bulaklak. My time’s running out and I’m getting tired. Napahawak ako sa batok ko when suddenly a butterfly appeared before me. Kulay blue na paru-paro at matagal na ipinapagaspas ang kanyang makulay na pakpak sa mukha ko na waring may gustong sabihin. Lumipad ito papalayo pero maya-maya muling bumalik at lumipad na naman papalayo. Parang gusto niyang sundan ko siya.
Para akong na-hypnotized sa gawi nang paru-paro at sinundan ko ito. Daming pasikot sikot na dinaan ang munting insekto hanggang sa bigla siyang lumipad papaitaas. Sinundan ko na lamang siya nang tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala. Hindi naman ako si Superman para makalipad papaitaas gaya niya. Nagpakawala ako nang buntung hininga at medyo napangiti dahil sa kahibangan ko. Pagbaling ko nang tingin sa paligid, mukhang malayo na ako sa pinakasentro nang Dangwa. Tiningnan ko ang relo and it’s already 6pm. Medyo nagpapanic na ako when suddenly nagsalita si ale sa harap ko.
“Sir bibili po ba kayo nang bulaklak?” Tanong niya.
“Ah eh manang, magbabakasakali po sana ako kung may itinitinda po kayong sunflower?”
“Naku, sakto. Buti naabutan mo. Kakababa lang nang mga sunflowers ko galing Baguio. Hala, pili ka na lang duon.”
“Kayo na lang po mamili.”
“Ilang piraso ba?”
“Dalawang dosena po sana.”
“Siguro para sa girlfriend mo ito ano at balak mo siyang sorpresahin. Magpo-propose ka na ba sa kanya? Naku, wag kang mag-alala bibigyan kita nang discount.” Natawa ako sa tinuran nang tinder. Manghuhula kaya ito?
“Manang, may alam po ba kayong nagbebenta nang mga rosas dito?”
“Meron kami dito sa loob. Kakadeliver lang din. Pasok ka nang makapili ka. Yung iba galing pa sa ibang bansa. Anong kulay ba ang hanap mo?”
“Kulay blue po sana.” Napatda siya dahil sa sinabi ko. “Ah eh kung meron lang po sana.” Sagot ko.
“Kung suswertihin ka nga namang bata ka.” Pumasok siya sa kung saan at paglabas may dala siyang malaking basket na punung-puno nang blue roses. “Eto naman kakadeliver lang from Japan. Sabi nila original daw kulay nito dahil sa minanipula daw yung genetic composition nito. Dahil din dun may kamahalan ito.” Dahil sa galak ko, nayakap ko siya. Wala akong pakialam kahit gaano pa ito kamahal.
“Bibilhin ko na po lahat yan tapos pagawa na din po nang bouquet.”
Dali-dali naman na inayos nung tindera yung mga rosas. Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa yung bulaklak. Tuwang-tuwa ako dahil in just a nick of time, nakahanap ako nang rare blue roses. Nang iabot sakin yung finished product, napangiti ako dahil nalalapit na ang pinakaaabangan ko.
Pumara agad ako nang taxi at nagpahatid sa pad. Mamaya pang mga bandang 9pm ang uwi niya galing sa work dahil may overtime daw ito. It would give me enough time para magprepare. I called my favorite resto to bring some delights and music.
Habang nag-aantay nang oras, kinuha ko ang pumpon nang sunflowers at isa-isang tinanggalan iyon nang petals habang ibinabagsak sa floor. When I looked back, napaka-romantic nang scene sa pad ko. Kinuha ko yung scented candles that my mom gave me last Christmas and I lit it up. When I think everything is set, naligo na ako.
I heard her shoes making an intimate contact with the floor as she came closer. Naririnig ko ang lahat nang ingay gawa nang pagiging tahimik sa loob nang kuwarto. Pagbukas niya nang pinto, ang mga scented candles ang bumungad sa kanya.
“Andro?” Tawag niya sakin pero hindi ako sumagot. Tinawag niya pa ako ulit at dahan-dahan akong lumapit sa kanya mula sa likod. Nagulat pa siya nang bigla kong takpan ang mga mata niya.
“What are these?” Takang tanong niya nang mabuksan ko ang ilaw.
“Are you surprised?” Tumango lang siya.
“Bakit may ganito?” Tanong agad niya.
“This is a very special night Nica for the both of us.”
“Why special?” Nag-snap ako nang fingers at lumabas yung mga inupahan kong tutugtog sa dinner namin.
“I have something to tell you pero before that let’s have some dinner muna.”
Umupo na kami pareho habang may nagse-serve samin. Kuwentuhan muna kami saglit habang kumakain. Pampatanggal na din nang kaba. Hindi ako makakain nang mabuti dahil sa excitement at kaba. Hindi na ako nakapagtiis pa at sinimulan ko na. I held her hand then I knelt down.
“Nica, it’s been 4 long years that we’re together and I’ve decided finally to spend my remaining days with you not as a boyfriend but a husband.” Natameme siya sa ginawa ko. Nilabas ko yung ring sa bulsa ko at inilahad iyon sa kanya bago muling nagsalita. “Nica, I know this is really surprising but would you want to spend your future with me? Will you marry me?” Kasabay nun ang pagtugtog nang This I Promise You ng N’Sync mula sa mga musikerong inupahan ko.
Nakatingin lang siya sa singsing nang bigla niyang bawiin yung kamay niya. Tumayo siya bigla. “I… i… i… I can’t. I can’t marry you Andro.”
Natigagal ako sa sinabi niya. “Pero bakit? I thought you’re happy with me?”
“Basta I really can’t. Honestly, I came here ngayon because I wanted to end our relationship.”
“Whaaaatttt???” Napasigaw ako at nahinto ang tugtog.
“I’m sorry Andro but I think this would be the best for us. You’re a nice guy and mas marami ka pang makikilalang babae diyan who will in return give you the favor.”
“But ikaw lang ang gusto kong makasama Nica.” Sabay yakap sa kanya.
Nagpumiglas siya. “Let’s not hurt each other any longer Andro. I said my piece already and that’s final.” At tuluyan na siyang nag-walk out palabas sa pad, palabas sa buhay ko, palabas sa mundo ko.
Akala ko that this night will be very special; very special indeed dahil the day of my proposal became a major heartache of the year. Binayaran at pinauwi ko na yung mga musikero. Nakaupo ako sa may dining at nakatingin sa singsing na siya sanang magiging engagement ring naming dalawa. Nag-unahang magsilabasan ang mga luhang hindi ko in-expect at pinaghandaan sa gabing iyon. Sobrang sakit. She’s out of my life.
Lalong nadagdagan ang sakit nang masilayan ko ang bouquet nang blue roses na sobrang pinaghirapan kong hanapin para ibigay sa kanya. Sayang ang effort, sayang ang pagod. Inilublob ko na lang ang sarili ko sa espiritu nang alak. After this night, I need a break.
Ang sakit nang ulo ko. Parang pinipiga sa sobrang sakit. Nag-angat ako nang mukha at nalaman kong nakatulog pala ako sa lamesa dahil sa impluwensiya nang alak. Pero nakakaramdam ako nang mas ibayong sakit, sakit na hindi ko naranasan after 4 years. Biglang nag-flashback lahat nang nangyari nung gabing magpo-propose ako. Muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Bakit ganun? I’ve been a very good or even the best man she needed pero nagawa pa din niya akong iwan sa kabila nang lahat. I love Nica so much but she left me with nothing. Nasa ganun akong pagmumuni when my phone rang.
“Andro, glad that you’re already awake.” Yung asa kabilang linya.
“Anong meron at aga mong napatawag?” Wala sa sariling tanong ko.
“What happened?” Tanong niya din.
“Anong sinasabi mo?”
“What happened between you and Nica?”
“We parted.” Simpleng sagot ko.
“Whaaaatttt???” Di makapaniwalang sambit niya. “How? When? Why?” Ang dami niyang tanong.
“I don’t want to talk about it right now. Kung yun lang sasabihin mo, better end this call now.” Singhal ko sa kanya.
“Sorry pare but I think you have to hear this.”
“Hear what?”
“About Nica.” Bigla akong naging interesado.
“What about her?” Kunwari composed pa din ako.
“Kasi yesterday, I and the guys went to the fort to have some fun. We’re busy chit-chatting with our girls nang makita namin si Nica.”
“So?”
“Wait pare! Nica is with someone and I’m pretty sure na magwawala ka sa galit if andun ka and seeing them having a happy conversation.”
“Who’s the guy?”
“Zoe Luke Esperezante!” Biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at naibato ko ang hawak kong unit. Wala akong pakialam kung mahal man iyon or what. Nagsisisigaw ako and pinagsusuntok ang pader dahil sa sobrang sama nang loob.
Nang mahimasmasan ako, I made a pact that starting today, I’ll be the worst Andro Jean Sisalvo that everybody will know. I got up and went straight to shower, grab some clothes and rode my car. I'm busy driving when trafic held me. Breathe in, breathe out. Kala ko kakayanin nang deep breathing exercises ang namumuong tension sa katawan ko pero hindi pala. Bumusina ako nang bumusina, tipong wala nang bukas. Natigil lang ako nang umandar na muli ang daloy nang trapiko.
BLAG!
Gulat na gulat ang secretary ko nang pabalagbag kong isinara ang pintuan nang opisina ko. Nasabi ko na ba kung anong business meron ako? I am an owner of New City Dental Supply in the metro. Successful naman ang operations ko but my personal transactions are not. Buong maghapon akong nagkulong sa loob. Papapasok na lang ako nang food pag nagutom ako. Worried na worried yung secretary ko nung pumasok siya sa loob nang opisina ko para magpapirma nang ilang papeles pero sa halip na pirmahan ay sinabihan ko siyang siya na ang pumirma on behalf of me. Sinabi kong busy ako kahit na ang totoo’y nakatunganga lang naman ako at nakatingin sa kawalan.
Parang may kinakapa yung mga kamay ko sa aking lamesa dahil parang may kulang. Tama, hinahanap ko yung cellphone ko. I quickly jump up from my chair at hinanap yun. Halos nahalungkat ko na ang lahat nang sulok nang opisina ko pero hindi ko pa din mahanapan nang maalala kong ibinato ko pala iyon kagabi at itinapon. Lumabas ako nang store at dumiretso sa mall para maghanap nang bagong unit.
Paikot ikot ako sa cyberzone nang mall at matamang nagwi-window shopping. Madami na akong nakitang possible unit for me pero umaatras ako hindi dahil sa presyo kundi dahil sa necessity nito. I don’t think na kailangan ko pang mag-cellphone. What for? Wala naman akong constant kausap or even the drive to socialize para magamit yung mga features nun. But I insisted to buy one na lang for emergency purposes. I’m on my way to the car park nang nagreklamo yung patay gutom kong appetite. No choice but to feed it. Ayoko naman na maging pabaya sa physique ko in spite of what had happened. Dumiretso ako nang gawi sa isang Italian restaurant at kumain. I’m having a fusili with shrimp and arugula with a tea nang maisipan kong kalikutin yung phone. Nag-eenjoy na ako sa paggamit lalo na nang camera nito nang may mahagip ito. Biglang nagbago ang mood ko dahil doon. Mabilisan kong tinapos ang meal ko at dali-daling lumabas. Sa kamalasan naman, nahagip ko ang buwisit. Gulat ang rumehistro sa mukha ni Nica samantalang nag-grin si Zoe na parang nang-aasar. Lalo akong nainis sa tinuran niya kaya tumalikod na ako at umalis.
Simula nang nangyari yung araw na iyon, I’ve made sure na palagi akong busy para makalimutan ko yung bad experience na yun. Business dito, business doon. Para na akong makina na walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho. Pero kahit ganun pa man, fit pa rin akong tingnan dahil hindi ako nagpapabaya.
One day, nakatanggap ako nang bunch of roses sa desk ko. At ang mapang-asar na sitwasyon pa ay kulay asul ang mga iyon. It reminded me of an ungrateful past.
“Shiiiiiirrrrllleeeyyyy!” Sigaw ko sa sekretarya ko. Hangos naman itong tumakbo papunta sakin. “What the hell is this?” Tanong ko.
“Bu-bulaklak po sir?” Nakayukong sagot nito.
“Alam kong bulaklak ito pero why did you let trash get on my desk?” Hindi ito sumagot. “Get rid this thing off me. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin diyan.” Sabay abot nung bulaklak. Kinuha naman niya iyon at lumabas.
Nagtaka ako dahil sa nangyari. Sino ang nagpadala nang mga blue roses and bakit niya alam yung ganung flower? Nasa kasagsagan ako nang pag-iisip nang hangos na pumasok yung sekretarya ko.
“What now Shirley? Can’t you see I’m busy?” Inis kong sabi.
“But sir, you have a visitor waiting outside.” Bisita? I’m expecting no one.
“I’m not into entertaining visitors as of the moment. Tell them to come back tomorrow afternoon.” Utos ko sa kanya. Wala pang isang saglit nang may pumasok.
Napahinto ako at napuno na naman nang galit ang mukha ko nang makilala kung sino yung talipandas na pumasok sa opisina ko.
“What are you doing here? This is an office and you are not allowed to enter unless you’re an employee of this place! Anong klaseng tao ka at nagawa mong mag-gate crash?” Singhal ko sa kanya.
“Wala ka pa din pinagbago Andro. Ganyan ka na mula pa noon.”
“Just get out of my office before kita ipatapon sa mga guards sa labas! Hindi ako tumatanggap nang mga walang kwentang bisita!” Sabay turo sa pintuan.
“Ako walang kwenta? You got the nerve to say THAT to me!” Sagot nito.
“Of course, let me refresh your system if you’re having a hard time thinking of where you are. You’re in my place so I can say whatever I wanted!”
“I know this is your place!!!” Mukhang napipika na siya sa akin and that’s a good thing. Napangiti ako. “This is not the right way to welcome a guest.”
“A guest? I don’t think so.”Sabay talikod. “Oh I almost forgot to ask one important question. Do I have an appointment with you? If you don’t then you’re free to go.” Nakita kong tuluyan nang nagbago timpla niya.
“You’ll pay for this insult Andro! You dirty fag!” Ako naman ang nagpanting nang marinig yung huli niyang sinabi.
“Hindi ako fag gago baka ikaw!” Ganting sagot ko sa kanya sabay bato nang mga papeles sa pintuan matapos niyang makalabas.
Buong maghapon akong wala sa mood dahil sa engkuwentro naming iyon ni Zoe. Sa totoo lang, back in the days, mang-aagaw pa din siya. Lahat nang napapasaakin ay pilit niyang kinukuha. Ang mga ex-girlfriends ko na pumatol sa panglalandi niya, ang pagiging campus hearththrob, ang pagiging number sa buong batch namin, hanggang sa recent relationship ko. Wala naman akong maisip na dahilan para gawin niya ang mga bagay na ganun sakin. Totoong mas may dating siya kumpara sa akin but that’s not the case. Lalong hindi ko matanggap sa sarili ko na hanggang ngayon ay patuloy pa din akong under sa kanya kaya naman nagtayo ako nang business ko at pinalago ito base na rin sa natutunan ko sa eskuwela.
7:09pm. Time check! Nagrereklamo na naman ang patay-gutom kong tiyan. Tinatamad naman akong tumayo para bumili sa labas nang kahit anong makakain ni hindi ko din magawang lumapit man lang sa telepono at tumawag sa kahit anong fast food chain. Nagulat na lang ako sa biglaang pagtunog nang door bell. Kung hindi pa dahil doon ay hindi pa ako tatayo.
“Coming!” Kakainis tong pindot nang pindot sa door bell kala mo naman na hindi pagbubuksan. Pagkabukas ko, mukha ni Zoe ang nabungaran ko at may dalai tong isang box nang pizza. Isasara ko na sana ang pintuan nang pigilan niya ito.
“Ano na naman ba ang kailangan mo? Kung may sasabihin ka, ipagpabukas mo na dahil sarado na kami.” Singhal ko sa kanya.
“I came here not to argue. I came here para makipag-ayos.”
“Makipag-ayos? Adik ka ba? O di kaya naman ay nagkukumbulsyon?” Pang-iinis ko sa kanya pero ngiti ang sukli niya sa akin. Himala at nagawa niyang ngumiti nang pagkatamis tamis.
“Pwede na ba akong pumasok sa loob Andro?” May pagka-sincere niyang tanong. Nanaig ang galit ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay pabalagbag kong isinarado ang pinto.
Pabalik na ako sa upuan ko nang biglang kumalam sikmura ko. Dumiretso ang mga paa ko sa pantry at naghalungkat dun nang pwedeng kainin. Nagtaka ako nang malamang wala ni isa mang naka-stock na pagkain kahit na sa mga shelves. Naghalungkat pa ako nang ilang saglit pa nang makakita ako nang garapon. Kinuha ko ito at inamoy. Kape ito. Pwede na itong pantawid gutom. Agad akong nagtimpla nang kape at bumalik na sa upuan.
Di naglaon, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Medyo nangamba ako dahil kasinglakas nito si bagyong Ondoy na nagpalubog sa ilang bayan at siyudad sa Metro Manila. Hindi ako mapakali. Maya’t maya ang silip ko sa bintana baka biglang umapaw yung kanal. Maya-maya pa nakarinig ako na parang may kumalabog mula sa labas. Bigla akong napatayo dahil may kalakasan iyon. Kinakabahan akong lumapit sa pintuan upang tingnan iyon. Laking gulat ko nang makitang nakahandusay si Zoe hawak nang isang kamay ang box ng pizza at nangingig sa lamig. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gumana ang instincts ko at agad siyang pinasok sa loob. Hindi ko na alintana ang galit ko sa kanya. Nang maipuwesto siya ay agad akong naghanap nang kung anong pwedeng ipalit sa mga damit niya. Wala akong makita na damit. Hindi rin naman ako nakapagdala dahil di ko balak na mag-overnight sa office ngayon nang biglang mahagip nang paningin ko ang kurtina. Agad ko itong kinuha at pansamantalang ikinumot sa kanya matapos siyang hubaran.
Mataas na ang sikat nang araw nang magising ako. Una kong tiningnan ang cellphone ko at nalamang hindi makakapasok si Shirley dahil sa binaha sila. Nag-alala ako sa kanya kaya agad ko naman siyang tinawagan at kinamusta. Matapos makipag-usap ay bigla kong naalala ang mga nangyari nang nakaraan gabi. Agad na hinanap nang aking mga mata si Zoe. Pagtingin sa kinahigaan niya kagabi ay maayos na ito at nakapatong doon ang kurtinang ginamit ko sa kanya. Nilapitan ko iyon at nakitang may simpleng note na nakapatong doon. Kinuha ko iyon at binasa.
Salamat sa pag-asikaso
sa akin kagabi.
Makakabawi din ako sa iyo.
Zoe.
Walang anu-ano ay inamoy ko ang kurtinang bumalot sa katawan niya. Ang sarap samyuin, nakakahalina. Para akong naengkanto nang yakapin ko ito at in-imagine na sana siya ang yakap-yakap ko. Nasa kasagsagan ako nang ecstacy nang bigla akong natauhan. Naitapon ko ang kurtina at agad na tumayo.
I am not a fag. I am straight. Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Pilit kong iwinawaksi ang isiping unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya. Hindi puwedeng magustuhan ko ang kagaya niya. Nakakahiya sa lahat.
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon, hindi na mawaglit-waglit sa isipan ko ang itsura niya habag natutulog lalong lalo na ang kumapit na amoy nito sa kurtina. Para itong multo na bumabalik-balik sa akin. Hindi ko na din alam ang mga nangyayari sa akin. Minsan nahuhuli ko ang sariling inaantay siyang pumasok sa opisina ko na mukhang imposible na dahil sa ilang beses kong pagtaboy sa kanya. Nakakatawa mang isipin na ang kagaya kong straight-oriented ay biglang bumaluktot sa kanya. Gayunpaman ay nasa estado pa din ako nang pagtanggi sa nararamdaman ko.
Isang araw, habang nag-aayos nang sarili para pumasok hindi inaasahang nakatanggap ako nang isang importanteng tawag. Napapitlag ako nang malamang si Nica ang may-ari nang numerong lumabas sa screen nang cellphone ko. Nag-aalangan akong sagutin dahil napakaaga pa ngunit nanaig ang kagustuhan na marinig muli ang tinig niya.
‘Hello?’ Bungad ko.
‘Hello? Is this Mr. Andro Jean Sisalvo?’ Nadismaya ako dahil sa ibang boses na narinig ko at the same time kinabahan dahil baka kung anong nangyari sa kanya.
‘Yes. May I know who this is please?’ Medyo kabado kong tanong.
‘Do you know Miss Nica Samonte?’ Of course, she’s my ex, sabi ko sa isip ko.
‘What about Nica? Anong nangyari sa kanya?’ Medyo freak out kong tanong.
‘She passed out.’
‘What? Where is she? Give me the address and I’ll fetch her right away.’
5:01am. Habang dinidikta nang caller ang address nang bar na kinalalagyan ni Nica ay hindi ako mapakali dahil sa nangyari. What she’s up to right now? Bakit siya naglasing which is hindi naman niya gawain? Nararamdaman kong may pasanin siyang malaking problema. Agad kong dinukwang ang car keys sa desk ko at patakbong tinahak ang daan papunta sa kinalalagyan nang kotse ko. Pagkapasok ay agad kong pinaandar ang makina nito at agad pinaharurot.
7:30am. OMG! Yan ang ekspresyon na rumehistro sa mukha matapos Makita ang itsura nang minamahal ko. Hindi ko maiwasang hindi siya kaawaan dahil ibang iba na ang itsura nito. Nawala na ang dating ganda nito at lalo itong pumayat.
“Are you Mr. Sisalvo?” Tanong nang isang matabang lalaki na mukhang bouncer. Tango lang ang sagot ko. “Ako yung tumawag sa iyo kanina and I am the manager of this bar. As you can see, Ms. Samonte was so drunk and nakatulog na sa sobrang kalasingan.”
Tuloy-tuloy lang ang kuwento nito at nalaman ko mula rito na mag-isang pumunta dito si Nica around 10pm yesterday at agad na um-order nang inumin. Naglasing daw ito nang lubos. Hindi naman siya makalapit dito dahil una di niya ugali ang makialam sa mga customers niya pwera sa mga parokyano niya. Umiiyak pa daw ito habang umiinom.
Habang nagkukuwento ang manager nang bar ay di ko maiwasang hindi pagmasdan ang mukha nito. Awang-awa ako sa kalagayan nito. Agad kong inasikaso lahat nang mga nainom nito at dali-dali siyang binuhat pabalik sa sasakyan ko. Idrinive ko siya pabalik nang pad ko at hayaan siyang doon na lang magpatuloy sa pagpahinga.
Nang makarating ay agad ko itong inasikaso. Ibinaba sa higaang dati naming hinihigaan. Bigla namang nag-flashback ang lahat nang mga nangyari saming dalawa sa higaang iyon. Napaluha ako ngunit agad din naman akong nakabawi nang bigla itong kumilos. Kumuha ako nang bihisan niya at agad siyang pinalitan nang damit. Kumuha din ako nang bimpo at plangganang may maligamgam na tubig para matanggal ang amoy nang alak at pawis na dumikit sa balat nito. Pagbalik ko ay nagulat pa ako nang makitang nakaupo na sa gilid nang kama ko si Nica. Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at pighati. Tumingin ito sa akin. Muli ko na naming namasdan ang nangungusap na mga mata nito. Nilapitan ko ito at nang akmang pupunasan ay nagsalita ito.
“I’m sorry.” At napahagulgol na ito.
“You don’t have to say sorry, Nica.” Niyakap ko ito at inalo.
“I’m sorry for all the wrongs I made, I’m sorry for leaving you hanging, I’m sorry for choosing him over you, I’m sorry for not being a good girlfriend to you. I don’t know what I will do now. I’m so messed up. I don’t think I have to continue living.”
“Shhhhh, that’s not true. You’re a diamond to someone’s life. Huwag mong isipin na patapon na ang buhay mo dahil sa problemang pasan mo ngayon. Look at how the sun shines, the birds singing on the trees very early in the morning as if they’re singing their ways into our hearts. There’s more to life Nica, there’s more to life.”
Bigla siyang tumahimik dahil sa mga sinabi ko. Akala ko tumigil na siya pero lalong lumakas paghagulgol niya.
“He left me.” Pagsusumbong nito.
“Whaaattt?” Napakalas ako nang yakap sa kanya dahil sa narinig.
“He left me just like what I did to you on our anniversary. This must be my karma for doing that. I should have seen this coming.” Patuloy pa rin ito sa pagtangis.
“He’ll pay for this, I’ll make dure if that.”
Muli kong inasikaso si Nica hanggang sa muli itong makatulog. Gabi na din nang sumilip ako sa bintana. Nang makitang himbing na ito ay kinuha ko ang cellphone nito at itinext si Zoe. Makikipagkita ako sa kanya at magtutuos kami. Siya rin lang na gamit ko ang cp ni Nica ay nagkunwari akong siya ang nakikipagkita. Nang makatanggap nang affirmative reply mula sa kanya ay agad na kong nag-ayos para isakatuparan ang mga balak kong paghihiganti. Nagbihis ako at kinuha sa attaché case sa ilalim nang bed ko ang iniingatang revolver. Tsinek ko muna kung may laman ang magasin nito bago ko ito itinago.
6:30pm. Thirty minutes early ako sa usapang oras nang aming pagtutuos ni Zoe. Mataman akong nagmamasi sa parke na iyon. Ang parke na nagging saksi sa lahat nang mga pagtangis ko simula nang agawin sa akin ni Zoe ang lahat. Nakakubli ang sasakyan ko sa likod nang malaking puno nang bigla itong dumating. Bumaba ito nang kotse sabay labas nang cp at nagtext. Marahil ay nagtext na ito kay Nica at iyon na ang hudyat na hinihintay ko. Bumaba ako nang kotse at agad tinungo ang kinatatayuan nito. Napamaang siya nang sa kadiliman ay lumabas ako.
“What are you doing here? I’m supposed to meet Nica not you.” Takang tanong nito.
“Engot ka rin pala ano. Sa tingin mo ba makikipagkita sa iyo yung tao after you dumped her just like that? You’re a fool.”
“You planned this all fag?” Patakbo akong lumapit sa kanya at agad siya inundayan nang suntok. Mabilis itong kumilos at nakailag ito. Nagapakawala naman ito nang isang suntok at sapul ako sa sikmura.
Palibhasa ay walang karanasan sa gulo kaya naman natamaan ako. Namilipit ako sa sakit.
“Is that all you’ve got? Susugod sugod ka pero lampa ka din pala.” Agad akong tumayo at inilabas na ang baril na hawak ko. Nagulat at natakot siya.
“No, I got this.” Sabay tutok nang baril sa kanya. Nahintakutan ito at biglang napaatras. Napatakbo ito. Hindi pa ito nakakalayo nang magpaputok ako nang baril.
Nagtago siyang bigla sa likod nang kotse niya. Lumapit ako dito at nakaumang na ang baril ko sa kinalalagyan niya nang matuklasang wala ito dito nang bigla na lang may isang mabigat na bagay ang dumagan sa akin mula sa likuran. Pilit nitong inaagaw sa akin ang baril. Nagpambuno kami sa damuhan. Nagawa niyang maagaw ang baril, kinalas ang magasin bago itinapon. Pumatong ito sa akin at agad na hinawakan ang magkabilang kamay ko. Mas malakas itong di hamak sa akin kaya naman kahit anong pilit ang gawin ko ay hindi ko magawang makawala sa kanya.
“Hindi ka lalaki Zoe! Hindi ka lalaki! Ang lakas nang loob mong manakit nang babae. How could you break Nica’s heart! How could you!” Pambubulyaw ko sa kanya. Pero tahimik lang ito na nakahawak sa mga kamay ko. Pilit pa din akong kumakawala nang unti-unti kong naramdaman ang pagluwag nang pagkakahawak niya sa akin.
Ito na ang chance ko kaya naman agad ko siyang sinapak sa panga. Napatumba ito. Agad akong tumayo at inambahan siyang susuntukin ulit nang mapansin kong hindi man lang ito kumilos para gumanti nang suntok sa akin. Mas ikinagulat ko nang makita siyang umiiyak.
“Ang lakas nang loob mong tawagin akong fag pero look at the situation right now. Look at yourself. Nakakaawa ka Zoe! Nakakaawa ka.” Pangungutya ko sa kanya.
“Sige kutyain mo pa ako hindi kita pipigilan. Alam kong andami ko nang kasalanang nagawa sa iyo and this is not enough. Hurt me more Andro! Hurt me more!!!” Habang patuloy ito sa pagtangis. Nagulat ako sa mga nagiging reaction niya. This is not the Zoe that I knew. “All this time, wala akong ibang ginawa kundi ang agawin ang lahat sa iyo. I don’t know what’s into me para gawin sa iyo iyon. I know you’re a nice guy pero hindi ko alam kung paano ka ia-approach. Masyado kang aloof sa akin kaya I decided to compete with you para mapansin mo ako.”
Tama ba ang narinig ko? Nagpapapansin siya sa akin?
“Until that day, I saw you and Nica happy together. I wished na sana one day I will be the one who will make you happy, the reason of your smiles and that’s the moment I decided to court Nica kahit kayo pa. I strived so hard para mawalan siya nang pagtingin sa iyo; I succeeded, and that’s the moment she said no to your proposal. It made me happy for finally you’re free.”
“What are you saying Zoe? Hindi kita maintindihan.” Halos hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyon niya sa akin.
“Mahal kita Andro! I mean it kaso I never had the chance to tell you what’s inside of me dahil lagi akong nauunahan nang takot na baka mawala ka sa akin nang tuluyan kapag sinabi ko sa iyo ang totoo. Hindi ko kakayanin iyon.”
“Ma-mahal mo ako?” Hindi ko malaman bat ako nauutal.
“Oo Andro. Kaya ko ginawa ang lahat nang iyon dahil sa kagustuhan kong mapasaakin ka. You never knew pero sa’yo umikot ang mundo ko simula nang makilala kita.”
“Hindi mangyayari ang gusto mo dahil hindi ako pumapatol sa kagaya mo. Isa kang bakla. Nakakadiri ka Zoe! Kinasusuklaman kita. You deserve to be that way fag!” Sabay talikod dito at lumakad palayo.
I became rude sa kanya after kong madinig lahat nang revelations niya. Hati ang emosyon ko. I felt disgust on my spine dahil sa ginawa niya sa akin at ang patagong nararamdaman nito pero may kaunting kurot sa akin nang makita ko siyang umiiyak. Sumakay na agad ako nang kotse at pinaharurot ito pauwi.
Pabalagbag kong isinara ang pintuan nang pad ko pagkapasok. Para akong nauupos na kandila dahil sa pagod at emosyong hindi ko na kaya pang pigilan. Napahagulgol ako. Hindi na ma-process nang system ko ang mga nangyari sa akin sa araw na iyon. Overwhelming. Dumiretso ako nang shower room, binuksan ito at tumapat sa dutsa nagbabakasakaling maiagos nito ang nararamdaman ko ngayon.
Simula nang mangyari ang kumprontasyon na iyon ay nawalang parang bula si Zoe. Wala na akong balita sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya o patay na. Kinilabutan akong bigla dahil sa huling naisip ko. Parang hindi ko matanggap na patay na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla akong napaluha. Bakit ganun na lang ang naramdaman ko. Mahal ko na din ba siya gaya nang pagmamahal niya sa akin? Dinukot ko sa aking bulsa ang cp at agad nag-dial. Makikipagkita ako kay Nica.
8:45pm. Hinihintay ko siyang dumating sa paborito kong restaurant. Wala pa si Nica nang dumating ako. Hindi pa naman ito huli sapagkat halos isang oras pa bago ang usapan namin pero andun na ako. Ilang saglit pa ay dumating na din siya. She’s so stunning in her dress. Can’t help but to say an awe to her. Umupo na ito at agad akong um-order. Habang naghihintay ay agad na naming binuksan ang conversation.
“Is this about Zoe?” Agad nitong tanong. Hindi ako sumagot. “Naiintindihan ko. Siguro by now alam mo na din ang dahilan nang break up namin.”
Patuloy lang ako sa pagtahimik.
“On the first few months of our relationship, he made me believe na seryoso siya sa akin. I was so happy and I thought hindi ako nagkamali. All was flowing smoothly until that day.” Napatigil ito saglit. Alam kong masakit pa din sa kanya ang nangyari pero itinuloy niya. “In our 1st year anniversary, we decided na kumain sa labas and to celebrate the occasion. In the middle of our date, he spilled it all out. He said na he’s breaking up with me kasi he’s been in love to someone for how many years already. I was shocked and I cried. Everyone’s gazing on us wearing that what-happened-with-them look. He continued confessing until he said that it was you whom he loved. Nagalit ako sa kanya and l left with disgust.” Na-shocked ako sa revelation ni Nica.
“That’s the same night when I drink na parang wala nang bukas, got drunk and passed out. Then I woke up in your pad. Noong una, nandiri ako sa iyo pero after all the good things you did for me iniyak ko na lang.” Napaluha akong bigla. “Shhh, don’t cry Andro I’m sure Zoe wouldn’t like to see you crying. Malulungkot siya.”
Pero hindi ko na napigilang mapaiyak. Nica hugged me tight.
“I don’t know what to say. I’m new with this feeling. All I ever knew was that I’m so hurt when you left me and you chose him. Last month, we had a confrontation and inamin niya lahat lahat sa akin. I don’t know why pero something in me was happy. I neglected the feeling dahil I was ‘straight’ pero nung hindi na siya nagpaparamdam bigla ko siyang na-miss. I starting to like him.”
“Did I heard it right, Andro?” Bigla akong napakalas sa yakap niya. Natameme ako nang makilala ang boses na iyon. “Will you say it again please?” Tumango pa si Nica tanda na she’s fine with it. Humarap ako sa kanya. I met his eyes and I saw happiness.
“That night made me realized that I, too, was starting to fall for you. Natatakot lang akong aminin dahil nahihiya ako sa pwedeng sabihin nang iba.”
“So you love me too?” Hindi ako sumagot bagkus niyakap ko siya nang mahigpit. Sapat na iyon para sabihin sa kanyang mahal ko din siya.
Pagkalas ko sa yakap niya nakita ko ang ibang reaction mula sa mga mata niya. Hindi na saya kundi lungkot ang nakita ko. Nang hawakan ko ang mga kamay niya, may naramdaman akong malamig na bagay. Kinapa ko nang maigi kung ano iyon. Nagitla ako sa natuklasan. Isa iyong singsing. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha.
“Thanks for loving me Andro. Atlast, nakuha ko na din yung matagal ko nang hinihintay. Kaso nga lang…” Pagputol nito dahil di na din niya napigilang lumuha. ”Kaso nga lang huli na ang lahat para sa atin. Pumayag na ako sa kasunduan namin ni papa na kapag hindi ko nakuha ang gusto ko sa takdang oras, kailangan ko nang sundin ang gusto niya. Two days ago, Lyla Meneses and I tied the knot before our families.” May kung anong sumabog sa pagkatao ko after hearing all this. Hindi ko matanggap na huli na pala ang lahat para sa amin.
Dahil sa narinig ay agad akong napatakbo palabas nang resto at sumakay sa kotse. Pinaandar ko ito at agad pinasibad, hindi ako sigurado kung saan ako patutungo. I’ve been such a loser. Lahat na lang nang minamahal ko ay nawawala sa mga palad ko na parang bula. Sobrang sakit.
Namalayan ko ang sarili na nasa park kung saan kami huling nagkita ni Zoe. Doon ko binuhos lahat nang hinagpis ko. Sumigaw ako nang ubod lakas umaasang maaalis nito ang sakit. Lagi na lang huli ang lahat para sa akin. Lagi na lang akong naiiwanan nang biyahe. Lagi na lang ako sawi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Siguro nga hindi sila para sa akin. Unti-unti akong napahiga sa damuhan at ang itsura ay parang sa isang sanggol sa loob nang sinapupunan. Tanging ito lang ang paraang alam ko para maramdaman kahit papaano ang maging safe at secured sa mga oras na iyon. Tanging doon ko lang mararamdaman ang katahimikang gusto kog makamtan sa ngayon. Katahimikang magtuturo sa akin kung paanong mabuhay muli nang may taglay na bagong pag-asa, ang bagong Andro Jean Sisalvo.