Friday, December 23, 2011

CLAYGO!

I woke up with him on my bed. Matangos ang ilong, mapupulang mga labi, at fair skin. Bagay na bagay ang itsura niya ngayon sa ambience ng kuwarto ko. Napaka-peaceful dahil sa kulay white na pintura na sinamahan ng kulay asul na linings. The black bed cover seems to be perfect lalo na pag nakikita kong umaangat yung dibdib niya pag humihinga. Nakakahalina siyang pagmasdan. His eyes are so beautiful, nasambit ko sa sarili ko ng magmulat ito.

“Good morning.” Bungad ko rito.

“Hmmmmm.” Sagot nito sabay yakap ng mahigpit sa akin.

“That was great.”

Hindi siya sumagot pero ramdam ko ang malalalim niyang paghinga.

“May problema ba?” Tanong ko.

“Wala naman. May naisip lang ako.”

“Hay naku naman.” Sabay bitaw sa mga yakap niya. “Ako kasama mo tapos may iba kang iniisip? Kakatampo naman.”

Pinitik niya ilong ko. “Nag-iinarte?”

“Ewan ko sa’yo.”

“Sus, nagtatampo raw siya. Marunong ka pala niyan.” Sabay pulupot niya ng braso niya sa akin.

“Ah ganun. Sige tumayo ka diyan and get out of my room.” Seryoso kong sabi rito.

“Ayaw!”

“I said leave!” Binigyan koang diin para maging makatotohanan.

Nakailang palitan pa kami ng mga salita ng bigla itong tumayo. Dinampot niya mga damit niya at unti-unting nagbihis. Tinitingnan ko lang siya. Seryoso ang mukha habang ibinabalik ang mga saplot niya.

“I’m going.” Sabay talikod niya pero hindi naman umaalis sa kinatatayuan niya.

Muli siyang humarap. “I said I’m going.”

Natatawa ako sa inaakto niya pero pinipilit kong huwag mapabunghalit. Sinusubukan kong hindi magpaapekto para makatotohanan.

“Okay, I’m going.” At dahan-dahan siyang naglalakad palayo. Slow motion kumbaga tapos lilingon. Tinataasan ko lang siya ng kilay sabay lagay ng mga braso ko sa dibdib ko.

“I’m going!” Sambit niya ulit.

“Leave.” Sabi ko.

Tuluyan na itong lumabas ng pintuan.

1, 2, 3, 4, 5.GO! Pagbibilang ko.

Biglang bumukas yung pintuan at dumungaw yung ulo niya.

“I’m leaving!”

“Okay.” Simpleng tugon ko.

“Hmmm.” Habang nakadungaw pa rin siya sa pintuan.

“May sasabihin ka pa ba?”

“Hindi mo ba ako pipigilan?”

“At bakit?”

“Baka lang magbago isip mo eh.”

“Ah okay.”

Hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya.

“Hindi mo ba talaga ako pipigilan?”

“Hindi.”

“Bakit?”

“Kasi alam ko naman na hindi ka talaga aalis eh.”

Napangiti siya at dali-daling pumasok ng kuwarto at yumakap sakin. Gumanti ako ng yakap kasabay ng pagsiil niya sa mga labi ko. Sa totoo lang hindi ko na rin siya mabitawan, napamahal na sa akin itong lokong ito. Kay aga-aga pinagtibay naming muli ang mga damdamin namin.

“Randy?”

“Yes Po?”

“Wala lang.”

“Kanina ka pa ganyan. Ano bang iniisip mo?” Tanong ko sa kanya habang hinahagod ko ang buhok niya.

Tumahimik siya marahil iniisip kung sasabihin ba sa akin yung nilalaman ng isip niya o hindi.

“If you’re not ready to talk, I’ll wait…”

“Paano pag dumating siya?” Bigla nitong singit.

“Sino?”

“Si Gino.”

“Wag mo na nga siyang isipin. Tayo magkasama ngayon pero siya iniisip mo.” Pambabalewala ko sa sinabi niya.

“Hindi ko kasi maiwasan eh.”

“Po, naalala mo pa ba yung sinabi ko sa’yo noon?”

“Oo, na wag akong magi-guilty sa ginagawa natin dahil in the first place hindi ikaw ang unang nagloko.”

“Right. So ano pa bang problema?”

“Randy kasi eh.”

“Ano?”

“Eto eh.” Sabay turo sa puso niya.

“Oh anong meron diyan?”

“Puso ko.”

“Bakit yung puso mo?”

“Tumitibok dahil sa’yo.”

“Alam ko na yan. Wala na bang bago?”

“Eto ba ako rin ba ang tinitibok?” Sabay turo naman sa puso ko.

Napatahimik ako.

“Oo nga pala. Nauna nga pala si Gino diyan kaya wala ng space para sa akin.” Malungkot nitong tugon.

Kumalas ito ng yakap sa akin at tumalikod. Iniisip ko rin sa sarili ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko para kay Po. Gusto ko na rin si Po, mahal na kung tutuusin, dahil sa noong mga panahong down ako palagi siyang andyan at dinadamayan ako lalo pa noong mahuli ko si Gino na nakikipaglandian sa best friend kong lalaki.

Naaawa ako sa kanya. Hindi niya deserve ang binibigay kong pagmamahal sa kanya dahil kulang, nope mali, kulang na kulang at unfair yun sa kanya. Pero ang hirap kasi eh, naiipit ako dahil sa tinatawag na relasyon naming dalawa ni Gino.

Niyakap ko ito mula sa likuran niya. Dun ko lang napansin na humihikbi nap ala ito.

“I’m sorry Po.”

“No Randy, huwag kang humingi ng sorry dahil mas lalo akong nasasaktan. Mas lalo kong nararamdaman ang pagkakamali ko.”

“No Po, kailangan ko itong sabihin dahil ayaw na kitang pahirapan pa.”

“Ano bang binabalak mo?”

Tumahimik ako saglit. Hindi ko masabi sa kaniya yung nilalaman ng isip ko.

“Basta Po promise me na hindi mo ako iiwan. I need you.”

“Promise.” Sagot niya kahit ramdam ko pa rin na nasasaktan siya.

“Thank you so much!”

“Ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita.”

Hindi ako bumitaw sa pagyakap sa kanya dahil doon ko lang nararamdaman na may tao pa palang handang tumanggap at magmahal sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na akong kayakap siya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog nang mapatingin ako sa hinigaan ni Po. Wala na siya sa tabi ko. Nag-alala ako na baka iniwan niya ako habang natutulog ako. Dali-dali akong tumayo. Nagtaka ako nang makarinig akoang mga boses sa labas na parang nag-aaway. Lumabas ako.

“Fuck you Po! Pinagkatiwalaan kita pero ito pa pala igaganti mo sa akin!!!” Galit na galit na wika nito.

Samantalang si Po naman ay parang gripo na dumadaloy ang mga luha niya.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadya.”

“Hindi mo sinasadya? That’s bullshit! Alam mong kami ni Randy bakit ka pa umeentra?”

“Dahil hindi ko napigilang mahalin siya kahit na ikaw na ang nagma-may-ari sa kanya!” Pasigaw na sagot nito kay Gino.

Dahil sa narinig ay sinugod nito si Po. Kitang kita ko kung paanong dumapo sa mukha ni Po ang kamao ni Gino. Natumba ito dahil sa lakas ng impact. Lalo itong umiyak at sapo ang parte na tinamaan ng suntok ni Gino. Hindi nakalampas sa akin ang detalyeng putok ang labi nito. Dali-dali akong tumakbo papunta rito.

“Po anong nangyayari rito. Bakit hindi mo ako ginising? Bakit mo hinayaang saktan ka niya?”

“Sorry Randy, kailangan na niyang malaman ang totoo. Hirap na hirap na ako.” Mas lalo akong naawa sa kanya.

“Bakit mo siya kailangang saktan?” Pagharap ko sa kanya.

“Nararapat lang sa kanya yan. Ako pa tinalo niya? Gago pala siya eh!” Galit na galit pa rin nitong sabi.

“Nagseselos ka ba? Ay mali. Masakit ba Gino?”

“What??? Tinatanong pa ba yan Randy? Damn it!”

“Awww masakit nga siguro kasi sa halip na ikaw ang kasama ko sa gabi eh siya ang katabi ko sa kama?” Sabi ko rito ng may pang-uuyam.

“Taena! Kailangan pa bang itanong sakin yan? Siyempre nasasaktan ako dahil ako ang boyfriend mo Randy!!!” Sigaw niya sa akin.

“Woah! Woah! Woah! Huwag masyadong sumigaw baka magising mga kapitbahay i-report pa ako.” Pinipilit ko ang sarili kong huwag magpaapekto sa mga sinasabi niya.

“At nagagawa mo pa talagang gumanyan ha?”

“Bakit hindi ba puwede?”

“Ano bang problema mo at kinailangan mo pang maghanap ng iba? Kung gusto mo ng sex isang text lang naman at darating ako!”

Para akong sinampal sa huli niyang sinabi. Tuluyan ng giniba noon ang pagmamahal ko sa kanya.

“Problema ko?” Saglit akong napatingin kay Po. “Teka, diyan ka lang. Po get inside of OUR room susunod ako in a bit. Maglilinis lang ako nang kalat dito.”

“What??? That’s OUR room!”

“Nah-ah. That’s OUR room.” Pagbibigay diin na kuwarto naming dalawa iyon ni Po. Sumunod si Po sa utos ko.

Dahil sa sinabi ko ay pumasok ito sa kuwarto at hinila palabas ng kuwarto si Po. Parang hayop kung kaladkarin niya yung tao.

“Stop it Gino!!! Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo!”

“Ako ba sa tingin mo natutuwa sa mga ginagawa mo?”

Hinila ko si Po mula sa kanya. Heto na ang right time para bumuwelta ako.

“Awww, masakit ba?”

“Damn Randy! Ano bang gusto mong palabasin?”

“Gusto kong palabasin? Gusto ko lang iparamdam sa’yo kung gaano kasakit ang malaman mong ang boyfriend mo may nilalanding iba!”

Natahimik siyang bigla pero bumawi rin agad.

“That’s not true Randy. Wala akong nilalanding iba.” Biglang parang naging tupa ito mula sa kaninang lobo na handang-handang sumila ng kawawang tupa.

“Cut the crap Gino! Sawang-sawa na ako!”

Napaiyak ako.

“ I’m so freaking tired sa mga excuses mo Gino sa tuwing aalis ka para mag-out of town. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung saan ka talaga pumupunta? Hindi ako tanga Gino!”

“Hindi ko alam yang sinasabi mo?”

“Tell that to the marines asshole! Nahuli ko kayo ni Lester na lumabas sa movie house at grabe kayo ang sweet niyo naman ng best friend ko. May kasama pa talagang kiss sa lips bago kayo maghiwalay noong araw ng huli mong pag-uwi sa akin.”

Para siya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko. Namutla ito nang todo. Matagal bago ito nakapagsalita ulit. Inasikaso ko muna si Po dahil nakakaawa talaga itsura nito.

“Pero bakit si Po pa? Sobrang sakit Randy. Ang dami namang pwede diyan pero bakit si Po pa?” Naisambit na lang niya.

“Bakit dahil kapatid mo siya?”

Hindi ito nakaimik.

“Dahil minahal ko na siya. Noong mga panahong nangungulila ako sa’yo siya ang dumadamay sa akin at nagpaparamdam nahindi ako nag-iisa.”

“Pero Randy, can we give it another shot? Our relationship, we could still work it out right?” Tanong niya sa akin na may pagmamakaawa.

“No Gino, hindi na. Matagal ng sira ang relasyon natin at wala na akong nararamdaman sa’yong pagmamahal. Inubos mo na. In fact, naaawa ako sa’yo. Heto na ba yung tinatawag nilang karma?”

Dahil sa huling sinabi ko dahan-dahan na itong lumayo at lumabas ng bahay. Bigla akong napahagulgol ng tuluyan ng lumapat ang pinto. Naramdaman ko ang yakap ni Po sa akin.

“Po, I’m really sorry at kailangan pang umabot sa ganito na nasasaktan kita.”

“No Randy hindi mo kailangang humingi nang tawad. Taos sa puso ko itong ginagawa ko.”

“Don’t worry Po, simula ngayon babawi ako sa’yo. Totoo yung sinabi ko kanina na mahal na rin kita. Can we make this relationship real? I mean, pwede na ba nating subukang maging tayo?” tanong ko rito.

Ngumiti lang siya. Sa kabila nang sabog niyang labi ay ang tamis pa rin nitong ngumiti.

“Aray!” Sabi niya bigla.

“Ayan, makangiti kasi wagas eh bumuka tuloy yung sugat.” Sambit ko.

Sabay kaming nagtawanan. Matapos ang araw na iyon ay pinaramdam ko na kay Po iyong matagal ko ng dapat ibinigay.

2 comments:

  1. love it kuya dendenpot ko! intayin ko next nito :)
    take care always! mwah!

    ReplyDelete
  2. d pla aq nkpgcoment d2 dti :/ anyway, e2 na,d pa namang huli db?

    lab lab lab weee kilig kilig aq d2 x3

    ReplyDelete